Advertisers
Timbog sa hot pursuit operation ang tatlong miyembro ng notoryus na motornapping group na sumalakay sa bayan ng Plaridel, Bulacan.
Kinilala ang tatlong suspek sa mga alyas na Kier, Joross at Dave habang ang mga biktima isang 43- anyos na negosyante at 20-anyos na binata.
Sa report, naganap ang insidente ng motornapping 11:30 ng gabi nitong Nobyembre 16 sa Brgy. Lagundi, Plaridel.
Nang makarating sa Plaridel police station ang impormasyon ala-1:50 ng madaling araw noong Linggo, agad nakipag-ugnayan sa Calumpit police at nagsagawa ng hot pursuit operation kaya naaresto kalaunan ang tatlong suspek lulan ng black Yamaha Aerox at black Rusi motorcycle.
Sinasabing ang biktimang negosyante ay nakunan ng Honda ADV habang ang binata ay natangayan naman ng Honda Click motorcycle ng mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 10883 o ang New Anti- Carnapping Act of 2016.