Advertisers

Advertisers

Cabuyao Mayor Hain, City Council, kakasuhan sa kuwestiyunableng P4-B DBP loan

0 129

Advertisers

Minadali at maanomalya pala ang pag-apruba ni Cabuyao Mayor Dennis Felipe Hain kasabwat ang buong Konseho ng Lungsod, sa P4 billion loan mula sa Development Bank of the Philippines (DBP). Hindi lang ito,…at hindi pa daw ito dumaan sa tama o ligal na delibrasyon at pamamaraan.

Ops, hindi po tayo ang may sabi nito ha, kung hindi ito ang ibinunyag ni Cabuyao Vice Mayor Leif Laiglon A. Opina kahapon sa Huntahan Media Forum sa Quezon City kahapon. Hayan ha Mayor Hain, hindi ako ang nagbunyag ha. ‘ika ni Opina, nagkaroon daw ng ‘railroading’….

Bukod sa ilegal na pag-apruba sa loan, kinuwestiyon din ang ginawang palihim na pagpasa sa pondo ng lungsod para sa taong 2025 na nagkakahalaga ng P3,303,726,464. Sinasabi ding hindi ito dumaan sa legal na pamamaraan at nabigong sumunod sa probisyon sa ilalim ng Local Government Code ng 1991.



My dear fellow Pinoy, alam na this kung ano ang susunod na hakbangin ng Bise Alkalde. Ano pa nga ba, e di tiyak na ilalapit ito sa Ombudsman. Tama ba? Yes, tama kayo diyan. Nakatakdang kasuhan ni Opina ng graft ang kanyang Alkalde at ang kanyang mga kasabwat sa Konseho .

Ani Opiña, ang P4-B DBP loan ay inaprubahan ng Konseho sa ilalim ng Kapasiyahan Bilang 07-2022, sa direktiba o kautusan (daw) ni Hain at hindi dumaan sa ano man delibrasyon.

Mariing ngang tinutulan ng Bise Alkalde ang nasabing loan dahil sa hindi ito sumailalim sa tamang proseso tulad ng feasibility studies, procedures, public consultations at determinasyon kaugnay sa kakayahan ng pamahalaang lungsod sa pangungutang.

Dahil sa matigas na pagtututol ng Bise sa loan, sinasabing nagpatawag si Hain ng irregular ‘special session’ ….’Hain allegedly called for an irregular “special session” which lacks the 24- hour notice to the members of the Sangguninan’. .

Heto ang isa pa sa mas matindi pang ibinunyag ni Opina,…kuwestiyunable pa ang venue dahil isinagawa ito sa private property/residence ng isa sa city councilors, kung saan ito ay inaprubahan.



Puwede pala iyon, sa pribadong lugar na pagmamay-ari ng isang Konsehal. Ano nga ba ang mayroon at kinakailangan gawin sa labas at hindi sa session hall?

Para maging matagumpay ang palihim na pag-apruba, sinasabing noong Hulyo 17, 2023 dakong 12:27 ng tanghali, Ipinaalam ng Office of the Mayor sa pamamagitan ng HRMO, sa tanggapan ni Opiña na ang Alkalde ay nasa official leave noong July 15, 2023 hanggang July 18, 2023.

Dahil dito, si Opiña ay tumayong acting mayor habang ang first councilor ang pangsamanatlang humalili sa posisyon ni Opinas,. kung saan ang buong Konseho o ang mga miyembro ng Sanguniang Panglungsod ay nagsagawa ng session at inaprubahan ang P4-billion loan…at nilagdaan naman ito ng acting vice mayor.

Hinggil naman sa P3.2-B city budget para sa 2025, Ani Opiña na minadali din ng Konseho ang pag-apruba dito at hindi man lang ipinalaman sa kanya o binigyan ng kopya ng resolusyon bilang acting mayor, maging ang office of Sangguniang Panglungsod Secretary Atty. Venus C. Velasco, MPAf.

Nakarating na rin sa kaalaman ni Gov. Ramil Hernandez ang insidente…“Please be reminded that as Members of the Honorable August Body of the Sangguniang Panlungsod of the City of Cabuyao, you are mandated to comply with the provisions of the Local Government Code of 1991 relative to the Preparation of 2025 Annual Budget and its subsequent approval,” anang Gobernador sa kanyang liham.

“I trust that our shared commitment to transparent governance will guide us in addressing this concern and fostering a collaborative legislative environment moving (forward),” patuloy na pahayag ni Hernandez.