Advertisers

Advertisers

Comelec pinayagan ang brgy. officials na sumali 2025 Election campaign

0 23

Advertisers

PINAHINTULUTAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga barangay officials na makiisa sa mga pangangampanya para sa Eleksyon 2025. Ngunit, kung sila ay magkakaroon ng mga paglalabag, dito na papasok ang kapangyarihan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang naging basehan ng desisyon ay ang 2010 Supreme Court Ruling na kung saan ang mga barangay officials ay maaaring lumahok sa politika.

Kaugnay nito, binigyang-diin din na kahit pinayagan na sila ng komisyon ay dapat pa rin nilang sundin ang mga campaign rules at guidelines na itinakda ng komisyon.



Ang simula ng kampanya para sa mga national positions ay mula February 11, 2025 hanggang May 10, 2025. At para naman sa mga lokal na posisyon ay mula March 28, 2025 hanggang May 10, 2025.