Advertisers
Nasawi ang maglolo sa sunog na sumiklab sa isang residential fire sa Barangay Gulod, Novaliches nitong Huwebes ng hapon.
Nagsimula ang sunog 5 :00 ng hapon. at umabot sa pangalawang alarma.
Naabo ng sunog ang 10 bahay, na ikinawala ng mahigit 20 pamilya. Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa mga nasawi.
Samantala, isa pang sunog ang naiulat sa bayan ng Gumaca sa Quezon 9:00 ng gabi noong Huwebes
Ayon sa Gumaca Municipal Disaster and Risk Reduction Office, nagsimula ang sunog sa isang malaking bodega.
Hanggang 10:00 ng gabi, sinusubukan pa ring apulahin ng mga awtoridad ang apoy.