Manila LGU tumanggap ng pagkilala sa PhilHealth dahil sa quality healthcare
Advertisers
KINILALA ang Lungsod ng Maynila bilang nag-iisang local government unit (LGU) na may “highest Konsulta first patient encountered” sa PRO-NCR Forward PULSE Program ng Philhealth NCR and Rizal nitong Miyerkules, November 20, 2024.
Personal na tinanggap ni Manila Mayor Honey Lacuna, na isang propesyunal na doktor, ang karangalan kasama si Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan.
Ayon kay Lacuna, ang pagkilala ay isang patunay sa pagsisikap ng lungsod na makapagbigay ng free and quality healthcare sa lahat ng indibidwal sa lungsod ng naaayon sa Universal Health Care Law.
Binanggit ni Lacuna ang mga sakrispisyo ng mga nagtatrabaho sa likod ng tuloy tuloy na pagpunta sa lahat ng sulok ng lungsod maabot lamang ang bawat isang Manileño para maiwasan ang mga mga nakamamatay na sakit.
Ito, ayon sa kanya ay ginagawa sa pagtutulak ng konaultasyon bago pa lumala ang sakit para sa early detection.
“An ounce of prevention is worth a pound of cure,” giit ng alkalde.
Ang mga libreng serbisyo na available sa 44 health centers ng lungsod ay kinabibilangan ng medical consultation, laboratories, x-rays, ulltrasound, ECG and medicines. (ANDI GARCIA)