Advertisers

Advertisers

P5.7m LPG nasamsam sa ilegal  refiling station

0 14

Advertisers

Nakumpiska ng mga tauhan ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nasa  P5.7 milyong halaga ng mga  kagamitan  sa pagsalakay sa isang ilegal  refiling station  ng mga  LPG sa Bulacan.

Ayon kay CIDG Director PBGen. Nicolas Torre III, sinalakay  ng CIDG-Regional Field Unit 3-RSOT, Bulacan Provincial Filefd Unit  at Bulacan PNP ang Marilao Industrial Compound sa Brgy. Mahabang Parang, Sta. Maria, Bulacan nitong Huwebes, Nobyembre 21, 2024.



Sinalakay ang illega;l na refilling station sa  bisa ng search warrant na inisyu ni  Hon. Adonis A. Laure, Acting Presiding Judge ng Third Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 21, kaugnay  sa paglabag sa Republic Act No. 623 o regulasyon sa paggamit ng mga duly marked containers.

Nakumpiska  ang iba’t ibang kagamitan at materyales kabilang mga  original, repainted  at refilled Pryce Gas LPG cylinders; weighing scales; refilling hoses and machines; LPG pumps; compressors at storage tanks.

Isang nagngangalang “Olga” na on site checker lamang ang nadatnan ng mga awtoridad habang  dinala naman  sa RFU 3 office ang mga kinumpiskang ebidensiya.

Ayon kay  Torre,  bagama’t walang naaresto sa mga may – ari ,  hindi naman sila titigil para matukoy kung sino ang nasa likod ng iligal na operasyon ng refilling ng mga LPG upang papanagutin.(Almar Danguilan)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">