Advertisers

Advertisers

IDUSTRIYA NG QUARRYING SA BANSA INAASAHANG MAUUNAWAAN NG GOBYERNO – ERMA PRES. LEE!

0 15

Advertisers

Naniniwala ang mga quarry operators na mauunawaan ng gobyerno ang industriya ng quarrying sa bansa.

Ito’y sa pangamba na posibleng magkaroon ng kakapusan sa supply ng aggregates sakaling ipatigil ang operasyon ng quarry.

Sa press briefing sa Baguio Country Club, sinabi ni PMSEA-director at ERMA President Angelita Lee, naniniwala s’ya na hindi ipatitigil ng pamahalaan ang quarry operation sa bansa.



Ngunit, sakali anyang katigan ng gobyerno ang panawagan ng ilan posibleng magkaroon ng moratorium sa pag-isyu ng permit sa quarry operation.

Ito’y bunsod na din ng pangamba na humantong sa pagkansila ng permit dahil isinisisi ng ilan ang mga pagbaha, pagguho ng lupa at kalamidad na dala ng sunod-sunod na bagyo sa quarrying sa bansa.

Ang panawagan ng ilan ay ipatigil, kanselahin ang permit sa operasyon ng mga quarry.

Ayon sa PMSEA-director at Eastern Rizal Miner’s Association Pres. Ms. Lee, huwag sana anyang mangyari dahil malaki ang epekto nito sa mining community at sa mga manggagawa.

Bukod pa dito ang posibleng kakapusan umano sa mga end user’s sa mga proyekto ng pamahalaan.



Sa huli nagkatipon-tipon ang mga minero sa idinaos na ila-70 taon ng pagsulong ng occupational safety, health at environment mula sa iba’t -ibang bahagi ng bansa sa pangunguna ng Philippine Mines Safety and Environment Association (PMSEA) sa Baguio City.