Advertisers
Totoo nga ba ang baluktot na paniniwala ng Binan,Laguna LGU na ang isang peryang may sugal (PERGALAN) ay puwedeng maging ligal kung pagbabayarin mo ng permit mula sa Business Permit and Licensing Office ( BPLO) ng isang siyudad o bayan?
Tila kupal na prinsipyo at paniniwala ito dear readers.
Saang libro ng batas nakasulat na puwedeng gawing ligal ang sugal ng isang local government unit (LGU)?
Tanging ang Kongreso lamang ng bansa ang puwedeng gumawa nito sa pamamagitan ng pagpapasa ng isang batas gaya ng pagkakaloob sa Philippine Amusement And Gaming Corporation ( PagCor) ng prangkisa o permit para makpag- operate ng ligal na PASUGAL.
Maliban sa PagCor,wala ng ibang departamento o sangay ng gobyerno ang puwedeng gumawa nito.
Kahit pa mga LGUs sa bisa ng isang ordinansa.
Ang pag- operate ng isang pergalan ay ” ILLEGAL PERSE”. para sa kaalaman ni Biñan City Mayor Walfredo “Arman” Dimaguila na isa pa namang abogago este abogado pala!
Paano kaya nabibigyang katwiran ni Mayor Arman Dimaguisa este Dimaguila sa mga taga- Biñan at sa Philippine National Police ( PNP) na ang tatllong puwesto ng PERGALAN ni Madam Judith ay ligal?
May tatlo (3) puwesto ang tinaguriang reyna ng perya ng Binan sa Barangay Sto.Domingo, Barangay Timbao at Barangay Sto.Tomas.
Tumataginting naman na Php 150K kada puwesto umano ang gayla o payolang ipinagkakaloob sa hepe ng Biñan City PNP kada puwesto, bukod pa umano ang weekly payola para sa umano’ y exclusive rights ni Madam Judith na makapaglatag ng peryang may sugal sa nasabing tatlong nabanggit na barangay.
Dahil abogado nga itong si Mayor Dimaguila,we assumed na kaya nitong ipaliwanag kay DILG Secretary Jonvic Remulla na ang mga pergalang ito ni Madam Judith ay hindi iligal alinsunod sa mga nakatadhanang batas.
Dahil kung hindi ito mapapatunayan ni Mayor Dimaguila,mas mabigat na kasalanan ito bilang isang abogado at isang elected public servant.
Sa kaso naman ng kung sinong tolongges at Herodes na hepe ng Biñan PNP, bahala na rin si Sec. Jonvic Remulla na sumentensiya sa police career ng mamang ito.
Ang pagbabayad at pagkuha ng permit sa BPLO ng isang bayan o siyudad gaya ng BPLO ay hindi nangangahulugan na ligal na ang operasyon ng color games at dropball ng mga peryahan ni Madam Judith!
Parang pusher ng droga lang na pinakuha mo ng permit sa BPLO para maging ligal ang kanyang pagbebenta ng basura!
Malinaw na pagpapaikot ito ng batas na may layong magpalusot at kumita ng pera sa maruming paraan.
May ligal na records ang BPLO Biñan City kung tumanggap nga sila ng bayad mula kay Madam Judith kapalit ng pag isyu dito ng permit.
Sa senaryong ito,hindi na mahihirapan pa ang DILG legal department na patunayan na may criminal at administrative offenses na na- commit di lamang ang BPLO ng Biñan kundi mismong si Mayor Dimaguila.
Same sa liderato ng Biñan PNP na magpahanggang sa ngayon ay inutil na hulihin ang mga pasugalang ito ni Madam Judith.
Alam naman nating ” piece of cake” lamang ito kay Mayor cum Attorney Arman Dimaguila.
Yakang- yakang- lusutan ni YORME ito.
Parake pang naging abogado ito!
Ganyan ba ang mga ibinobotong opisyal ng mga taga- Biñan?
Na sa konting barya ay puwedeng nang isakripisyo at ikompromiso ang batas at kunsintihin ang iligal at piliting palabasing ligal sa pamamagitan ng pagpapaikot sa batas?
Test case ito para sa mga mamamayan ng Biñan at sa liderato ng DILG sa ilalim ng pamumuno ni Sec.Jonvic Remulla.
Patungkol naman sa kasalukuyang inutil na hepe ng Biñan PNP, IAS at IMEG na lang ni General Rommel Marbil ang bahala sa kapalmuks na ito.
Sana just once, ika nga one time big-time…may matanggal na sa serbisyo ng kapulisan dahil sa pagtanggap ng payola mula sa iligal na sugal.
Matutuwa at hahanga ang publiko kung mangyayari ito.
Gawing sample sa iba pang buwaya at scalawags na kapulisan.
Isang legacy ito sa PNP na magmamarka sa pangalan ng buong institusyon Sec.Jonvic Remulla sir!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com