Advertisers
Kinuwestiyon ni congressional aspirant Rose Nono Lin ang kredibilidad ni dismissed Police Colonel Eduardo Acierto bilang saksi sa isinasagawang imbestigasyon ng House Quad Committee sa Duterte administration’s war on drugs.
Sinabi ni Nono Lin na dating miyembro si Acierto ng PNP Anti-Narcotics Unit, na sangkot umano sa P11-bilyong halaga ng ismagel na droga na nakatago sa magnetic lifters na natagpuan sa Manila International Container Port (MICP) at sa isang warehouse sa Cavite noong 2018, at may P10 milyong patong sa kanyang ulo.
Kabilang din umano ang nasabing dating pulis sa mga kinasuhan sa iligal na pagbebenta ng mahigit 1,000 high-powered firearms na nagkakahalaga ng P52 milyon sa mga rebeldeng komunista noong administrasyong Aquino, at sangkot din umano sa kidnapping, kabilang ang negosyanteng South Korean na si Jee Ick-joo. , na natagpuang patay noong Oktubre 18, 2016 sa loob ng Camp Crame, ang headquarters ng Philippine National Police (PNP).
Inungkat ni Nono Lin ang isyung ito nang sabihin ni Acierto na iisang tao ang asawa niyang negosyanteng si Lin Wei Xiong, na isang Hong Kong national, at ang drug personality na si Allan Lim.
Nagsumite ai Acierto ng nasabing ulat noong 2019 kay Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde at kay Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino.
Sa nasabing ulat, sinabi ni Acierte na nadiskubre niya sa pamamagitan ng isang impormante ang koneksyon umano sa drug trade nina Michael Yang, na dating adviser ni Duterte at Allan Lim, na kilala rin bilang Lin Wei Xiong.
Nauna nang sinabi ni dating PDEA chief Wilking Villanueva sa mga miyembro ng House Quadcom Committee na “raw” o hindi pa beripikado ang ulat ni Acierto, at idinagdag na walang patunay ang mga subject na inuugnay sa illegal drug trade.
Ngunit iginiit ni Acierto na hindi kailanman naaksyunan ang kanyang ulat noon dahil Pangulo noon si Duterte na siya umanong tagapagtanggol nina Yang at Lim.
Sinabi ni Nono Lin na “kung nagsasabi ng totoo si Acierto, bakit hindi siya lumabas at harapin ang mga kaso laban sa kanya.”
Ipinunto din ni Lin na hindi tulad ni Acierto, na hindi subject ng anumang warrant of arrest ang kanyang asawa at hindi rin subject ng nakabinbing kaso sa korte.
“Acierto should man up. Face the music if you are really clean,” wika pa ni Lin.