Advertisers

Advertisers

Binatilyo, todas sa saksak ng 17-anyos

0 10

Advertisers

Patay ang 19-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng ng 17-anyos habang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan sa Lian, Batangas, nitong Sabado ng gabi



Kinilala ang biktima si John Pert Mendoza, 19-anyos, ng Brgy. 5, Lian Batangas; habang nadakip ang salarin na kinilala sa alias kuya, 17-anyos ng nasabing rin lugar.

Sa report, 9:56 ng gabi nang maganap ang pananaksak sa Brgy. 5, Lian, Batangas.

Nabatid na nakatambay ang biktima habang kakwentuhan ang mga kaibigan ng dumating ang salarin na armadong ng patalim.

Nilapitan ng salarin ang biktima at sa hindi pa batid na kadahilan bigla nitong inundayan ang una ng saksak sa katawan.

Isinugod ng kamag-anak ang biktima sa Apacible Memorial District Hospital sa Nasugbu, Batangas nguni’t binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas habang mabilis naman tumakas ang salarin.

Nadakip naman ng mga otoridad ang binatilyo sa isinagawang follow-up operation.

Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang motibo ng pananaksak ng salarin. (Mark Obleada)