Isko hinamon ni Valeriano ng lie detector test!
Advertisers
HINAMON ni MANILA Congressman Rolan Valeriano (2nd district) si ex-mayor Isko Moreno sa lie detector test, bilang reaction sa isang video na ipinakita sa kanya kung saan ang dating mayor ay inakusahan silang dalawa ni Rep. Joel Chua (3rd district) na trinato siya nang hindi maganda.
Sa nasabing video, sinabi ni. Moreno na siya at dating Councilor Letlet Zarcal, ay nakipagkita sa dalawang Congressmen, at sinabi umano ng dalawa sa kanya sa malakas na boses na ipagkakatiwala na lang nila ang posisyon sa pagka-alkalde maliban sa kanya.
Nanindigan sina Valeriano at Chua na walang ganung klaseng insidente na naganap sa meeting at idinagdag na naghiwa-hiwalay sila ng maayos kung saan ‘boss’ pa ang tawag nila kay Moreno.
Nang malaman niya na naglabas ng kanyang sariling bersyon ng meeting si Moreno, sinabi ni Valeriano na nag-text siya kay Zarcal at tinanong ito kung ano ang nararamdaman niya (Zarcal) na gumawa ng sariling kwento si Moreno sa mismong harapan niya.
“Ano nasa isip mo pare pag nagsisinungaling kaharap mo kc kasama ka diyan pero kung siraan kami….maayos tayo naghuwalay nung gabing un..,” sabi ni Valeriano kay Zarcal na ‘di pa sumasagot sa kanyang text.
Sina Valeriano at Chua ay dalawa sa limang Congressmen sa Maynila na nanatili kay Mayor Honey Lacuna. Anim lamang ang Congressmen sa kabisera ng bansa
Ayon kay Velriano, ito ang posibleng dahilan kung bakit dinidemonyo sila ni Isko sa mata ng publiko.
Sa kanilang bahagi, ang dalawang Congressmen ay hayagan ang pagsasabi na sila ay naniniwala na si Lacuna ang mas karapatdapat na mamuno ng lungsod sa mga darating pang panahon, at binanggit din ng dalawa kung paano inilugmok ni Moreno ang Maynila sa P17.8 billion pagkakabaon sa utang at iniwan ang lungsod dahil sa ambisyong. maging presidente noong 2022 sa kabila na may dalawang termino pang natitira sa kanya sa pagka-alkalde ng Maynila.
Hindi rin nila nagustuhan ang solong desisyon ni Moreno na tumakbo bilang mayor, at sinabing lahat na itinuring siya bilang pamilya, personal man o politikal, ay iniwan niya sa ere pati na si Lacuna, na walang ginawang masama sa kanya kundi ang ituloy ang lahat niyang proyekto, pagandahin pa ang kanyang mga proyekto at i-retained ang lahat ng kanyang appointees. (ANDI GARCIA)