Advertisers

Advertisers

KANDIDATONG GOVERNOR BINARIL!

0 33

Advertisers

SUGATAN ang isang negosyanteng kandidato sa pagka-governor ng Sarangani province sa Region 12 nang barilin sa Barangay City Heights, General Santos City, Sabado ng gabi, November 23, 2024.

Kinilala ang biktima na si Gladden Selidio Lim, 48 anyos, negosyante at residente ng Alabel, isa sa mga bayan sa probinsya ng Sarangani.

Sa inisyal na ulat nitong Linggo ng General Santos City Police Office, tinamaan si Lim sa tiyan, na agad namang naisugod ng emergency responders sa isang hospital.



Ayon sa ulat, mabilis na nakatakas ang bumaril kay Lim gamit ang isang motorsiklo.

Nagsagawa na ng back tracking ang mga otoridad upang matukoy ang pagkaka-kilanlan ng salarin.