Advertisers
Nasawi ang mag-ina nang pukpukin ng matigas na bagay sa ulo ng adik sa Valenzuela City, noong Martes.
Kinilala ang mga biktima na sina Janice Joy Castro, 43; at 6-anyos na anak na lalaki. At ang salarin na si Michael Serbidad Francisco, at residente ng Nazarenus St. Brgy. San Pascual, Obando, Bulacan.
Sa report, basag ang mga ulo at naliligo sa kanilang sariling dugo ang mga biktimang nang matagpuan sa loob ng bahay noong Martes ng gabi.
Sa report ng Valenzuela City Police, posibleng nangyari ang krimen 12:00 ng tanghali sa bahay ng mga biktima.
Ayon sa isang anak na lalaki ng biktima na 8:30 ng umaga ng Nobyembre 19 nang dumating sa kanilang bahay ang salarin at hinahanap ang kanyang inang biktima.
Nakuhanan naman sa CCTV sa lugar ang pag-alis ng mag-inang biktima na sinusundan ng salarin 9:51 ng umaga hanggang sa pag-uwi kasunod pa rin ng salarin 11:00 ng tanghali.
Isang saksi ang lumutang at sinabing nakiusap ang biktima na manuluyan sa kanyang bahay dahil sa takot sa salarin at pilit siyang pinagagamit ng shabu. Pumayag ang saksi subali’t makalipas ang ilang minuto nagpaalam ang biktima na bibili ng ulam hanggang sa tuluyan na rin pala itong umuwi ng bahay.
Patuloy na tinutugis ng kapulisan ang salarin.(Beth Samson)