Advertisers
PINADAPA ng Mapua Universty at College of Sanit Benilde ng kanilang kanya-kanyang kalaban para itakda ang final clash sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 100 men’s basketball sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Pinatalsik ng Mapua ang Lyceum of the Philippines University, 89-79, at tinadyakan ng CSB ang San Beda University,79-63.
Reigning Most Valuable Player Clint Escamis umiskor ng career-high 33 points,kabilang nag five triples, at may palamuti pang four rebounds,three assists, at two steals at block para sa Cardinals, na naghahanap para tapusin ang 33-year title drought.
Nagpakitang gilas rin si Chris Hubilla na umiskor ng 17 points,eight rebounds at three steals,habang si John Recto nagdagdag ng 10 pointsat five rebounds para sa Mapua, runner-up nakaraang taon.
John Bravo umiskor ng 20 points at humatak ng 10 rebounds para sa Lyceum, na nakabangon mula sa 46-55 halftime deficit para makuha ang 65-63 lead patungo sa fourth quarter.
John Barba may 14 points, sinahugan ng apat na triples,habang si Renz Villegas at Maclaude Guadana bumakas ng tig-12 puntos.
Sisimulan ng Mapua at CSB ang kanilang best-of-three series sa Smart Araneta Colesium sa Desyembre 1.