Advertisers

Advertisers

P.5m shabu nasinghot ng aso sa pantalan

0 8

Advertisers

Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) at Masbate police ang 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P.5 milyon matapos maamoy ng K-9 sniffing dog sa Mobo Port sa Masbate.

Sa report, nakasilid sa pulang paper bag ang mga naka- plastic sachet na droga nang matuklasan sa isang bus na karga ng isang dumaong na barko sa pantalan.

Nabatid na naamoy umano ng K-9 sniffing dog ang iligal na kargamento kaya agad itong ininspeksyon ng mga awtoridad.



Ang nakumpiskang mga ebidensya ay nasa pangangalaga ng Mobo Municipal Police Station at isusumite sa Masbate Provincial Forensic Unit para sa masusing pagsusuri sa laboratoryo.

Inaalam pa ng mga mga pulis kung sino ang nagmamay-ari ng naturang kontrabando.