Advertisers

Advertisers

Tan umukit ng kasaysayan sa artistic swimming

0 13

Advertisers

Nakuha ng Philippine artistic swimming ang kinakailangang tulong para maipakilala sa sa masang Pinoy nang makamit ni US-based Filipina swimmer Georgia Francesca Carmina Sanchez Tan ang tatlong medalya, kabilang ang isang ginto, sa katatapos na 18th Singapore Open Artistic Swimming Championships sa Singapore Aquatic Center.

Ang 16-taong-gulang na ipinagmamalaki ng Bacolod City ay nagbigay sa bansa ng isang pambihirang tagumpay sa palakasan na hindi pamilyar sa lokal na komunidad ng palakasan matapos ang kahangha-hangang panalo sa Solo Free Group C Open Seniors na nakakuha ng kabuuang 96.6370 upang talunin si Shashani Fernando ng Sri Lanka ( 95.35.89).

Sa gabay ni coach ni Giella Garcia Sanchez at sinanay kasama ng Meraquas ng Irvine, California, pumangalawa si Tan sa Solo Tech Group C (15-19 Juniors) at nasungkit ang bronze sa Solo Tech Group D (Open Seniors) na may 187.4137 at 130.9950 points, ayon sa pagkakasunod .



“Ipinagdiriwang natin ang milestone na ito para sa Artistic Swim sa Pilipinas! Maraming salamat, Philippine Aquatics, Inc. Bukod sa pag-uwi niya para makipaglaban dito sa Singapore, sasabak din siya sa darating na SEA Age Group Championships sa Bangkok, Thailand sa Disyembre 6-8, 2024,” ani Sanchez.

Makakasama ni Tan sa Philippine Team para sa SEA Age Championship sina Antonia Lucia Rafaelle at Zoe Lim.

Bukod sa artistic swimming ipinahayag ni PAI Secretary General Batangas 1st District Congressman Eric Buhain sa isang memorandum na may petsang Nobyembre 18, 2024, ang mga listahan ng mga junior athletes na bubuo ng mga koponan para sa regular na swimming, diving, at water polo.

Ang 13-man swimming team ay bubuuin nina Ryian Zach Danzel, Reinielle Jan Mikos Trinidad, Peter Cyrus Dean, Jaydison Edrei Dacuycuy, Jamesray Mishael Ajido, at Ivo Nikolai Enot para sa boys’ squad habang ang girls’ team ay binubuo ni Micaela Jasmine Mojdeh , Shania Joy Baraquiel, Sophia Rose Garra, Riannah Chantelle Coleman, Maxene Hayley, Liv Abigail Florendo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">