Advertisers

Advertisers

5 tulak, timbog sa higit P400k droga sa Valenzuela

0 584

Advertisers

Timbog ang limang drug suspects, kabilang ang isang mag-asawa matapos makuhanan ng mahigit P400k halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Martes ng gabi.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt. Col. Robert Sales ang naarestong mga suspek na sina alyas “Rey”, 45, (HVI); asawang si alyas “Daisy”, 45; alyas “Bhoy, 44; alyas “Mak”, 33; at alyas “Angel”, 40, pawang residente ng Brgy. Maysan.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Lt Col. Sales, naaresto ang mga suspek 10:10 ng gabi at nakumpiska ang humigi’t kumulang 60 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P408,000, nasa 17.97 ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,156.40, siyam pirasong used cartages ng suspected marijuana oil vape na nasa P21,000.



Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)