Advertisers

Advertisers

PERGALAN SA CALOOCAN NAKAKASIRA SA MALAPITAN!

0 1,235

Advertisers

Ni CRIS A. IBON

WALANG duda at ‘di maitatago ang kasikatan ng mga Malapitan. ‘Pagkat kahit sino ang kalaban ng mga ito tuwing election ay napapanatili nila ang kanilang “renda” sa kapangyarihan sa lungsod, bunga narin ng maayos nilang pagpapatakbo sa siyudad.

Ngunit dahil sa mga pergalan (peryahan na pulos sugalan) na nagsulputan sa iba’t ibang lugar sa lungsod, ang popularidad ni Mayor Along Malapitan at ng amang si 1st District Congressman Oscar Malapitan ay nanganganib bumagsak, dahil sa kawalan ng mga ito ng aksyon na mapahinto ang operasyon ng mga kunwari ay tradisyunal na karnabal na kung tawagin ay peryahan, ngunit ang totoo ay front ng mga iligal na sugal at ang matindi ay ng salot na illegal drugs.



Isiniwalat ng grupo ng mga Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) na ang pergalan ng isang alyas “Roger Bagong Barrio” sa 1st Avenue, Grace Park ay dinudumog ng mga manunugal, na karamihan ay menor de edad at mga estudyante, ang mga sugal na color games, beto-beto, drop balls, cara y cruz (Tao-Ibon) at iba pang table at card games.

Bukod sa talamak na iligal na pasugalan ay ginagawang salyahan ito ng droga ng mga drug pusher na ang ilan pa ay mga empleyado at batos sa sugalan ni Roger Bagong Barrio, na ang nagmamaneobra ng bentahan ng shabu ay ang katiwala nitong si alyas “Resty”. Paboritong tambayan din ang naturang pergalan ng mga adik na suki ni Resty.

Ngunit ang nakadidismaya, ayon sa MKKB, tila walang alam si Caloocan City Police Chief, Colonel Paul Jady D. Doles, at ang bagong talagang Northern Police District (NPD) Director na si Col. Josefino Ligan, at kapitan ng barangay na nakakasakop sa pergalan na ito.

Ayon sa MKKB, maging ang bagong talagang National Capital Region Police Director, BGen. Anthony Aberin, ay walang aksyon sa lantarang mga pergalan sa Caloocan City.

Bukod sa pergalan ni Roger Bagong Barrio sa 1st Avenue, Grace Park ay may pinatatakbo ding pergalan ang kinikilalang “Metro Manila Perya Queen” na tahiran ding drug pusher na si alyas “Marissa”. Nasa malapit sa Monumento Circle ang mga pasugalan ni Marissa kungsaan ay may isa din itong kubol na pinupwestuhan ng kanyang mga tagabenta ng shabu sa dakong gabi.



Ang nakapagtataka, ayon din sa MKKB, balewala ito at hindi inaaksyunan ni Col. Doles at ng kanyang mga operatiba.

Tinukoy din ng MKKB ang pergalan sa Deparo Bukid Area na hayag ding front ng bentahan ng shabu. Ang pergalan con drug den ay minamantine ng nagpapakilalang alyado sa pulitika ng mag-amang Malapitan.

Naniniwala naman ang MKKB na hindi papayag ang mag-amang Malapitan na muling maging kanlungan ng mga police character, criminal underworld at vice operator ang Caloocan City.

Noong nakaraang taon ay ipinasarang lahat ng mag-amang Malapitan ang mga pergalan na palihim na nag-o-operate sa pakikipagkutsabahan ng ilang tiwaling pulis at barangay officials.

Ibinunyag din ng MKKB ang malawak na operasyon ng Peryahan ng Bayan (PnB) bookies ng isang alyas John Yap sa lahat na bayan at siyudad ng Antipolo.

Bukod sa ilegal na pasugal na ito ni John Yap, may lotteng operation ang isang alyas Sola sa iba’t ibang bayan at maging sa lungsod ng Antipolo, ngunit dedma at walang aksyon laban dito si Rizal PNP Provincial Director Col. Felipe Maraggun.

Ayon sa MKKB, sangkaterba narin ang nag-o-operate na mga video karera at mga fruit game machine ng isang Roa at Sola sa buong lalawigan partikular sa mga bayan ng Taytay, Cainta at Tanay.