Advertisers

Advertisers

PNP handa sa kasong isasampa ni VP Sara

0 11

Advertisers

HANDA ang Philippine National Police (PNP) sa isasampang kaso ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Brigadier General Nicolas Torre III, sa isinagawang press briefing sa Kampo Crame nitong Huwebes..

Paliwanag ni Torre, karapatan ng bawat isa na magsampa ng kaso kaya kanila itong ginagalang.
Saka nalang aniya sila magbibigay ng ibang komento kapag naisampa na ni VP Sara ang kaso laban sa PNP.



Nabatid na kasama sa kaso na isasampa ni Duterte sa PNP ang ‘disobedience’, ‘robbery’ at ‘kidnapping’.

Tugon ito ng Pangalawang Pangulo matapos magsampa ng kaso ang PNP laban sa kaniya at kaniyang mga staff nitong Miyerkoles dahil sa tensyon sa paglilipat ng ospital sa kaniyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez