Advertisers

Advertisers

VP Duterte malaking kahihiyan – De Lima

0 14

Advertisers

NAGHAIN na si Mamamayang Liberal (ML) Partylist lead nominee Leila de Lima ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

“Hindi katanggap-tanggap na ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng ating bansa ay nagpapakita ng pambabastos, pang-iinsulto, at kawalang respeto sa mga institusyon at mga proseso ng pananagutan. Lalong hindi natin dapat ipagsawalang-bahala ang lantarang pag-amin niya sa balak na pagpatay kung may mangyari man sa kaniya—isang seryosong pahayag na hindi akma sa sinumang opisyal, lalo na sa isang bise presidente,” pahayag nito sa kanyang X.

“Ito ay isang malaking kahihiyan sa ating bansa at sa buong mundo. Hindi na tayo dapat magdusa sa ganitong klaseng liderato,” dagdag niya.



Si De Lima ay kilala bilang vocal critic ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at matatandaang humantong ito sa kanyang arbitrary detention.