Advertisers

Advertisers

L300 van vs Mazda:1 patay, 5 sugatan

0 14

Advertisers

Dead on the spot ang isang lalaki, habang 5 pang mga construction workers ang nasugatan sa naganap na aksidente ng L300 van at Mazda na may plakang ZCM-268 sa Kahabaan ng North Luzon Expressway sakop ng Brgy. Malis, Guiguinto Bulacan nitong Lunes ng hapon, Disyembre 2 2024.

Kinilala ng Guiguinto pulis ang nasawi na si alyas Reymart, 35-anyos, ng Cainta Rizal; at isinugod naman sa Bulacan Medical Center ang mga sugatanb na sina Rain Wayan Anog, 35; Robert De Guzman Ursolino, 33; Domingo Miranbueno Gestiada, 63; Jonel Minllaris, 25; at Carryboy De Guzman, 35-anyos, kapwa residente ng Brgy. San Juan Cainta, Rizal.



Sa report nang rumispondeng rescuers ng Bulacan Disaster Risk Reduction and Management Office, nakatanggap sila ng tawag sa telepono ng Bulacan 911, na isang box type na L300 van na may plakang UBC-953 ang naaksidente malapit sa exit ng Malis toll plaza.

Nabatid na kumalas ang cab ng van mula sa chasis nito, naging sanhi ng pagbaligtad ng sasakayan sa gilid ng NLEX, na nagresulta sa pagkasawi ng biktimang si alyas Reymart.

Sa inisyal na imbestigasyon, papasok na sa trabaho ang mga biktima ng maganap ang aksidente.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon sa pangyayari.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">