Advertisers

Advertisers

PHP 16.3 MILYON HALAGA NG KETAMINE AT MARIJUANA KUSH, NAHARANG SA BOC-PORT OF NAIA

0 34

Advertisers

NAHARANG ng Bureau of Customs, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Aviation Police ang tangkang pagpuslit ng ilegal drugs makaraang madiskubre na nakatago ito mula sa isang inabandonang inbound parcel noong Biyernes,Hunyo 20,2025 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) warehouse sa lungsod ng Pasay.

Sa ulat ng BOC-Port of NAIA, ang mga parsela na nagmula sa United States, Poland at Thailand ay na-flag sa regular na x-ray screening matapos makita ang mga kahina-hinalang larawan sa loob nito na nag-udyok ng agarang K9 paneling at manual inspection, na humantong sa pagkatuklas ng mga ilegal na droga.

Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 3,025 gramo ng hinihinalang Ketamine, na nakatago sa loob ng coffee maker at tinatayang nasa street value na PhP15,125,000.00 . Nadiskubre din ang 858 gramo ng hinihinalang Marijuana Kush, na nakatago naman sa maraming kahon ng vacuum-sealed na bag. Ang umano’y high grade marijuana ay may street value na Php1,080.00.



Lahat ng mga nasamsam na ilegal drugs ay wastong minarkahan, kinunan ng larawan at inimbentaryo sa presensya ng mga authorized witness at agad na itinurn-over sa PDEA National Office para sa kaukulang disposisyon. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">