Advertisers
Ni Rommel Placente
SA pamamagitan ng kanyang show na Fast Talk With Boy Abunda, nagbigay ng opinyon si Kuya Boy tungkol kay Neri Naig Miranda at sa kaibigan at dating talent niya na si Rufa Mae Quinto, na parehong may kasong kinakaharap sa kasalukuyan na fourteen counts ng estafa.
Tulad ni Neri, celebrity endorser din si Rufa Mae ng Dermacare, na nasasangkot ngayon sa investment scam, kaya kabilang siya sa mga sinampahan ng kaso.
Apektadong-apektado si Rufa Mae dahil hindi niya akalaing masasangkot sa kasong wala siyang kinalaman, lalupa’t tumalbog din umano ang mga tsekeng ibinayad sa kanya bilang endorser ng Dermacare.
Hindi rin umano nanghingi ng pera si Rufa Mae mula sa mga nagdemanda sa kanya dahil hanggang sa pagiging celebrity endorser lamang ng Dermacare ang partisipasyon niya.
Nadamay lamang umano ang aktres dahil isa nga siya sa mga celebrity endorser ng nasabing beauty clinic
Nagbigay rin ng pahayag ang legal counsel ni Rufa Mae na si Atty. Mary Louise Reyes.
Tiniyak nitong haharapin ng kanyang kliyente ang kasong isinampa laban sa kanya.
Narito ang naging pahayag ni Kuya Boy, “Kinukumpirma ko pong merong mga warrant of arrest si Rufa Mae kaya medyo nababahala po ako bilang kaibigan at manager.
“I am alarmed as a member of this industry and as a manager. Para bagang gusto kong balikan lahat ang mga kontrata dahil ang endorser ba ay salesman?
“Kapag sinabi kong bumili ho kayo ng donut ay yung warranty ba na yon, I mean, ano ba ang ating responsibilidad?
“Kasi, sa aking pagkakaunawa bilang manager, ang nagwa-warrant po sa publiko, na ang produkto ay maganda, matino ang serbisyo ay ang may-ari ng kompanya.
“Ang endorser ay maniniwala lamang sa sinasabi ng may-ari.”
Pagpapatuloy ni Kuya Boy: “It’s a very complicated case pero palaisipan po ito. I think the industry as a whole, we should be studying our contracts more.
“Kaninong responsibilidad ba ito? Naghikayat halimbawa ako na bumili ka ng bahay. Naghikayat ako na bumili ka ng condo, saan nag-uumpisa at nagtatapos ang responsibilidad?
“Do I own the company? Am I liable, halimbawa, e, hindi pala masyadong kagandahan? I have so many questions.
“I know that the case is in court.
“Isa pang point of interest, paano kaya nakonekta itong sina Neri, Rufa Mae sa kaso ng piskalya?
“It’s really interesting na dapat marami tayong matutunan bilang members of the industry, lalo na ang mga artist at ang mga manager.
“Ito po yung aking nararamdaman kaya hindi ko po mapigilang magsalita.”