Advertisers
Ni Oggie Medina
ILANG beses na kaming nagkatagpo ni direk Chito Rono. Kamag-anak pala niya ang kasamahan ko dati sa DTI’s CITEM. Nakapanayam ko na dati si Chito sa pelikulang The Healing, na pinagbidahan noon ni Vilma Santos.
Nagkita na rin kami ng asawa ni Judy Ann Santos noong siya’y binata pa sa BF Resort Village sa Las Pinas City at naging chairman pa nga ako ng panel of jury sa isang episode ng Talentadong Pinoy ng TV5.
Kaklase ko naman sa De La Salle University-Manila ang kapatid na babae ni Lorna Tolentino, kaya noong nabubuhay pa si Rudy Fernandez (direktor ng tatay ko ang tatay ni Rudy) ay madalas akong biruin nito sa telepono sa tuwing tatawag ako sa bahay nila at nagboboses babae pa.
Sina Chanda Romero at Mon Confiado naman ay hinahangaan ko na sa pag-arte kahit noon pa man.
Si Janice de Belen ay nakapanayam ko na sa dressing room ng ABS-CBN at naging Facebook friend ko ang kanyang anak kay Aga Muhlach.
Giliw na giliw ako kina JC Santos, Nico Antonio, at Donna Cariaga. Madalas naman kaming magkita ni Archi Adamos sa mga pagtitipon.
At si Kian Co ay nasaksihan ko ang husay ng pagganap sa pelikulang Mallari, na pinagbidahan ni Piolo Pascual. Mas nakilala ko siya nang lubusan dahil sa press conference noon ng The Miracle of Fatima. Kasama niya si Elia Ilano (ang FAMAS best actress at nominado sa Aliw Awards dahil sa husay na pagganap niya sa stage play na Maria Goretti) sa nasabing stage play.