Advertisers
Tinutugis na ng mga awtoridad ang dalawang katao na nag-post sa Facebook ng dalawang menor de edad na nag-masterbate sa computer shop sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Mal”, 25, married, business woman at alyas MC, 19, binata habang ang mga biktima ay itinago sa alyas Anton, 14 at alyas Rico, 13, kapwa binatilyo ng Brgy. Gumaoc East.
Sa report ng SJDM police station, naganap ang unang insidente bandang 7:00 ng gabi noong Nobyembre 2 at 9:00 ng umaga kinabukasan sa nabanggit na lugar.
Ayon sa imbestigasyon, nakunan ng CCTV ang aktuwal na pagma-“mariang palad” ng dalawang menor de edad sa magkasunod na araw sa computer shop ni alyas Mal.
Sinasabing posibleng hindi nakapagpigil ang mga biktima sa kanilang mga nakikita o napapanood na nagpapatigas sa kanilang pagkalalaki sa social media sa loob ng computer shop.
Imbes na pangaralan ang dalawang biktima o isumbong sa magulang ay ipinost ng mga suspek sa kanilang personal Facebook accounts ang aktuwal na video mula sa CCTV.
Dahil dito, bandang 11:00 ng umaga nitong Disyembre 5, nagsumbong ang kaanak ng dalawang biktimang menor sa pulisya sa pagsasapubliko ng malaswang video ng mga suspek na kapwa “at large”.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9995 (Anti- photo and Video Voyeurism) in relation to RA 7610.