Advertisers
I
Iibinentang parang laruan ang isang pitong buwang gulang na sanggol sa social media sa halagang P35,000 sa isang legal adoption chat group.
Arestado ang 29-anyos na salarin na bilihin ang sanggol ng isang undercover agent sa Rodriguez, Rizal.
Nabahala naman ang National Authority for Child Care (NACC) dahil naglipana sa social media ang mga ganitong kaso pati na ang online child sexual abuse, trafficking in person, at organ donation.
Nabatid na anim na bata na ang nailigtas ng mga otoridad ngayong taon.
Tinatayang nasa 14 Facebook groups at accounts naman ang nadiskubreng sangkot sa ilegal na pagbebenta at pag-ampon ng mga sanggol.