Advertisers

Advertisers

MAYOR, KONSEHAL SA BULACAN, 1 PA KULONG SA RAPE!

0 55

Advertisers

INARESTO ang isang mayor at konsehal sa Bulacan at isa pa sa kasong two counts of rape, Martes ng gabi.

Kinilala ang mga inaresto na sina Enrico Roque y Agustin, mayor ng Pandi, Bulacan; Jonjon Roxas, konsehal ng Pandi; at Roel Raymund y Concepcion.

Sa report, 8:45 ng gabi nang arestuhin ng mga elemento ng Northern Police District Intelligence Division, Criminal Investigation and Detection Group – Northern District Field Unit, at Bulacan Provincial Police Office sa Amana Waterpark, Santisimo Street, Pandi ang tatlo.

Inaresto sina Roque at 2 pa sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape na inisyu ni Honorable Ma. Rowena Violaga Alejandria, Presiding Judge RTC Branch 121 ng Caloocan City noong Nov. 11, 2024.

Sa isang affidavit, inakusahan ng isang babae ang mga suspek ng sekswal na pang-aabuso sa kanya sa Caloocan noong Abril 6, 2019.

Sa report, walang piyansang ipinagkaloob ang korte para sa pangsamantalang paglaya ng mga akusado.

Naghain ang mga suspek ng mosyon para ipawalang-bisa ang warrant of arrest at impormasyon, na nagsasabing gawa-gawa at “politically motivated” ang alegasyon.

“Ang operasyong ito ay isang malakas na paalala na walang sinuman ang higit sa batas. Ang aming katiyakan ay ang NCRPO ay hahabulin ang hustisya nang walang takot o pabor, na tinitiyak ang pananagutan para sa lahat,” sabi ni NCRPO Chief, Brigadier General Anthony Aberin.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng NPD ang mga suspek.(Mark Obleada)