Advertisers
Ni Rommel Gonzales
GUSTO raw ni Seth Fedelin na hindi lang pangmadalian ang kanilang samahan ni Francine Diaz.
Lahad ni Seth, “Kasi gusto kong kaming dalawa, hindi lang hanggang My Future You yung puwede naming gawin, gusto ko na marami pang taon na magsama kami.
“So, nag i-invest kami ngayon sa pundasyon ng samahan namin.”
Nais ni Seth na maging deserving sa pagmamahal ni Francine balang-araw.
Aniya, “At kung dadalhin man kami sa panahon na siguro pagdating ng araw na magiging kami, bilang lalaki rin, mine-make sure ko na siya na talaga.
“Mine-make sure ko yung sarili ko na mamahalin ko ‘tong babaeng ‘to nang buong-buo kasi deserve niya.
“Isa rin sa natutunan ko yun, isa rin sa natutunan ko na magmamahal ako ng babae, na kapag magmamahal ako, ibubuhos ko lahat.
“Mamahalin ko siya yung deserve niya, kung paano niya gustong mahalin, ibibigay ko po yun. Sa nakikita ko, deserve ni Francine na mahalin siya,” seryosong lahad pa ni Seth.
Maganda ang pelikula nilang My Future You ng Regal Entertainment Inc. na sinasabi ng marami na dark horse sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.
***
DAHIL sa bansang Japan nag-shoot ang pelikulang Hold Me Close ay pinagkuwento si Carlo Aquino ng tungkol sa naging experience niya sa naturang bansa during the shoot ng nabanggit na pelikula nila ni Julia Barretto.
Lahad niya, “Ang ganda nga noong yung day na papunta kami dun sa park, parang nakikita namin na unti-unting lumalabas yung colors dun.
“Tsaka first time ko kasing makakita ng cherry blossom, lagi ako pumunta ng Japan pag December, parang ganun.
“So bumibiyahe kami parang nag-bloom lang siya ng unti-unti. Tapos yung peaceful kasi sa Saga, hindi siya katulad ng Tokyo na ang daming naglalakad, ang daming high-rise building, iyon mga maliliit na bahay. “Sobrang peaceful, sobrang parang in touch ka with nature.
“Kaya gandang-ganda kami dun sa cherry blossom.”
Sa Hold Me Close ay may espesyal na abilidad si LynLyn played by lead actress Julia Barretto na kapag hinawakan nito ang isang tao ay malalaman niya kung magdudulot ito sa kanya ng saya o sakit.
Given a choice, sinong tao ang gusto ni Carlo na hawakan para malaman kung magiging masaya siya dito o masasaktan lang siya?
“Igi-give up ko na lang yung ability,” ang tumatawang pakli ni Carlo.
“Ayoko, ang hirap. Parang kasi, di ba, mas maganda yung… oo, hindi mo alam e, mapi-feel mo na lang, yung lagi kang nasa present, yung nandito, now, yung ganun.
“Ang hirap e, kapag may ganun ka, kasi nga magiging guarded ka masyado, hindi mo mai-experience yung life.
“E ganun ang buhay e, di ba?”
Ano ang nakita ni Carlo sa script ng Hold Me Close para tanggapin niya ang pelikula?
What drew you to the script, to the story?
Aniya, “Ako kasi ang dami ko ng nagawang romcom e, pero ito kasi parang may pagka sci-fi, kasi nga may ability si LynLyn na ma-predict kung ano yung nadalala sa buhay.
“May ganun siya e, so para sa akin iba ‘to.
“Kaya romcom man siya, may ganun siyang aspeto kaya nagustuhan ko.”
Entry sa 50th Metro Manila Film Festival, ang Hold Me Close ay mula sa Viva Films at Ninuno Media at mapapanood sa mga sinehan simula sa Disyembre 25. Entry sa 50th Metro Manila Film Festival, ang Hold Me Close ay mula sa Viva Films at Ninuno Media at sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.