Advertisers
HUSTISYA ang sigaw ng mga kaanak ng dalawang binatilyo na pinagbabaril-patay habang naglalakad pauwi ga-ling ng post-Christmas party noong Biyernes ng madaling araw sa Barangay Mongahay, Uson, Masbate.
Siniguro naman ni Masbate Provincial Police Office director Colonel Liane Van De Velde na maihahatid ng pulisya ang hustisya para sa dalawang binatilyo.
Sa ulat, kapwa bulagta at duguan nang matagpuan sa tabi ng kalsada ang mga biktima na sina alyas “Edmon”, 18 anyos;at alyas “Jepoy Jr.”, 14, ng Brgy. Mabini, Uson.
Ayon sa report, 3:00 ng madaling nang matagpuan ng mga residente ang mga na-kabulagtang biktima sa tabi ng kalsada at may mga tama ng punglo sa katawan.
Sa report ni Brgy. Chairman Charlie Verallo sa mga pulis, huling nakita ang dalawa sa kasayahan ng Christmas party sa Brgy. Paguihaman.