Advertisers
Nahaharap ngayon sa patong-patong na kasong Grave Threat, Disobedience to Agent of Person in Authority and Resisting Arrest at paglabag sa RA -10591 illegal Possession of Firearm and ammunition, sa City of San Jose del Monte Bulacan alas-1:30 ng madaling-araw Enero 1, 2025 sa Brgy, Muzon Proper.
Sa report na tinanggap ni PCol Satur Ediong PNP Provincial Director kinilala ang mga biktima na sina Arnel Dagoro y Uy, 27, driver, binata ng Blk30 Lot 37 Phase 3 Sarmiento Homes Brgy Muzon Proper, at Roberto Ortiza Dipad, 53 anyos ng Barangay Tanod, ng Blk 33 Lot-V sa naturang barangay.
Habang nakilala naman ang suspek na si Jay Aureo Buhain y Esquivel, 51 anyos, mikaniko,tubong Nueva Ecija Blk. 59, Lot 30, Sarmiento Homes.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad una nang sinita ng biktimang si Arnel ang suspek na driver ng kulay puti na Nissan Urvan MV350 na umano’y nakabangga sa kanya .
Kung saan nagkaroong ng mainitang pagtatalo ang dalawa na na uwi sa pagbunot at panunutok ng baril at binantaan na papatayin sya nito.
Dahil sa takot tumakbo papalayo ang biktima at agad nakahingi ng tulong sa Barangay-Tanod na agad rumisponde sa lugar, kung saan pinalagan ng suspek ang mga tanod.
Subalit agad rin na nadakip ang suspek at nakumpiska ang isang 9MM Tanfolglio pistol na kargado ng bala, kung saan walang maipakitang dakumento ng dala nyang baril.
Nabatid bago ang insidente dalawang beses na nagpaputok ng baril ang suspek na kasalukyang nakakulong ngayon sa San Jose del Monte City Jail.(Thony D. Arcenal)