Advertisers
Sa piitan ang bagsak ng isang akusado sa unang araw ng Bagong Taon nang masakote ng pulisya sa Valenzuela City, Miyerkoles ng umaga.
Sa ulat na isinumite kay Northern Police District PCol.Josefino Ligan ni Valenzuela police chief PCol.Nixon Cayaban, 10:35 ng umaga ng matyempuhan ang target ng manhunt operation na si alias “Randy”, 38, truck driver sa Candido Street, Barangay Ugong ,Valenzuela City .
Ang pagkaaresto sa akusado, base sa warrant of arrest na isinilbi ng Warrant and Subpoena Section na pinamunuan ni PLt. Jaime L. Abarientos Jr. para sa krimeng Statutory Rape in rel. to Sec. 5 (B) of R.A 7610, Attempted Rape in rel. to R.A. 7610, Acts of Lasciviousness in rel. to R.A 7610 and sec. 10 (A) of R.A 7610 (5 Counts).
Inisyu ang warrant of arrest ni Hon.Mateo B. Altarejos , Presiding Judge, Family Court Branch 16 noong December 20, 2024..
Walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na ngayon nasa custodial facility ng Valenzuela Police Station habang hinihintay ang commitment order sa paglipat nito sa City Jail.(Beth Samson)