Advertisers

Advertisers

NNIC PLANONG BAGUHIN ANG ‘SET UP’ NG BI AT OTS PARA SA PASAHERONG AALIS NG BANSA

0 6

Advertisers

INIHAYAG ng New NAIA Infra Corp (NNIC) na plano ngayon na baguhin ang set up sa pagitan ng Bureau of Immigration at Office Transportation Security (OTS) departure area, dahil sa kasalukuyan lahat ng pasaherong aalis ng bansa ay dadaan muna at magpoproseso ng kanilang BI documents, bago ang final security check.

Ayon kay OTS Spokesperson Kim Marquez, sila ang nag-propose nito sa NNIC, para mabawasan ang maraming reklamong natatanggap nila mula sa mga pasahero dahil kapag natapos na sila at dumaan sa immigration process, hindi na sila papayagan ng immigration na lumabas, pero paano kung kailangan mag off load ang pasahero dahil may nakitang item o bagay na ipinagbabawal.

Nagkaroon na ng preliminary meeting ngunit hindi ito magawa dahil may mga problema sa kuryente na kailangan pang ayusin, at posibleng magkaroon ng problema sa pila ng mga pasahero kung ito ay gaganapin ngayon dahil sa pagmamadali ng mga pasahero.



Nabatid na matagal nang nangyayari ang ganitong set up sa NAIA kung saan nauuna ang immigration bago ang security, na kung tutuusin ay taliwas sa international procedure o karamihan sa ibang bansa kung saan ang security check x-ray muna sa lahat ng pasahero at human x-ray bago dumaan sa immigration counter. (JOJO SADIWA)