Advertisers
Iba talaga ‘pag ang namumuno ay Sports Minded, kaya bago magsara ang taon agad na pinamunuan ni DPWH Rizal 2nd District Engineering Office District Engineer (DE) Wilfredo Racelis at Assistant Dist Engineer (ADE) Lito Fabian ang opisyal na pagbubukas ng Basketball Gym para sa mga empleyado habang si Fr. Willy Lucas naman ang siyang namuno para sa pagbabasbas ng palaruan, hindi rin nagpahuli ang mga Section Chief para sa souvenir photo sa pangunguna nina Construction Section Chief Engr. Benjie Amansec, Quality Control Section Chief Engr. Luz Villones, Planning and Design Section Chief Engr. Angie Lapitan, Road Maintenance Section Chief Engr. Catherine Tamayo at iba pang mga opisyales ng tanggapan. Sa nasabi ring okasyon ay ginanap ang isang “Out Reach Program” kung saan daang bilang ng indibidwal ang nakatanggap ng pamaskong handog mula sa DPWH Rizal 2nd DEO.