Advertisers

Advertisers

Billiards ace Jeff De Luna sasabak sa World Games

0 5

Advertisers

NAGKAROON ng pagkakataon si veteran Jeffrey De Luna na katawanin ang bansa sa unang pagkakataon sa mahigit dekada matapos makakuha ng ticket sa 12th World Games na nakatakda sa Agosto sa Chengdu, China.

Sa facebook post, Isinawalat ng 40-year old De Luna na nakatanggap siya ng phone call mula sa Philippine Olympic Committee (POC) secretary general Atty. Wharton Chan para ipaalam sa kanya na ang kanyang huling dalawang foreign stints ang nagbigay sa kanya ng spot sa quadrennial meet.

“Thank you to the Asian Federation and (POC) for rewarding me a spot. 2025 is going to be an amazing year! Time to bounce back, sulat ni De Luna.



De Luna, na nagkampeon sa men’s 9-ball silver sa 2006 Doha Asian Games, kwalipikado matapos makopo ang two bronze medals sa WPA’s Asian 10-Ball Championship at ang World 10-Ball Cup na ginanap sa Qatar nakaraang taon.

Dahil dito, makakasangga nya ang kapwa cue artist artist Rubilen Amit at kickboxer Hergie Bacyadan.

Bacyadan ay sumabak sa 2024 Paris Olympics — kumita ng spot matapos magwagi ng gintong medalya sa Asian Kickboxing Championship sa Phnom Penh, Cambodia.

Samantala, si De Luna ay tahimik na sumasabak sa ibat-ibang international tournaments.

Nakaraang taon, napanalunan niya ang The Cue International 10-Ball Open at ang Mansion Sports 9-Ball Open.