Advertisers
IPINAG-UTOS ni Executive Secretary Lucas Bersamin ng Office of the President ang 12 buwang suspension order laban kina Urdaneta City Pangasinan Mayor Julio Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno nang mapatunayang liable sa kasong grave misconduct at grave abuse of authority na naisampa sa Malakanyang ni Michael Brian Perez, punong barangay ng San Vicente Urdaneta City, Pangasinan.
Kaugnay nito sa ipinalabas na desisyon ni Secretary Bersamin nitong January 7, 2025 hinggil sa administrative complaint Case no 22-K-090 na naisampa ni Perez noong October 28, 2022, napatunayan sa masusing pagbusisi sa kaso na liable ang dalawang Parayno sa naturang kaso.
Nabatid nang makarating sa DILG ang desisyon ni Executive Secretary Bersamin at Memorandum order ni Atty. Romeo Benetiz Undersectrtary for External, Legal and Legislative Affairs, agad namang ipinag-utos ni DILG Region 1 director Jonathan Paul Leusen Jr., kina Parayno na sundin ang utos.
Samantala, inatasan ni DILG Regional director Leusen si Atty. Leovigildo Bunggubung Jr., at Atty. Michael John Borja na ipatupad ang desisyon ng Malakanyang na tig 6 buwang suspension sa dalawang kaso o kabuuang 12 buwang suspension sa puwesto.
Magugunitang inabuso ng mga Parayno ang kanilang kapangyarihan nang suspendihin at patalsikin bilang Liga ng mga Barangay President si Perez at palitan bilang LNB President ng Office of the Mayor at Sangguniang Panlunsod na hindi naman nila sakop ito kundi ang may kapangyarihan na mag desisyon hinggil dito ay ang LNB Provincial Executive Board sa pamamagitan ng Provincial Liga Office.
Sinasabing magkatulong ang dalawang Parayno na magsagawa ng reorganization sa mga opisyal ng LNB noong May 16, 2022 at nagpalabas ng Notice of suspension laban kay Perez noong June 15, 2022 para hindi na makabalik si Perez bilang LNB President. Ang mga bagong halal na LNB officers ang kinilala ni Parayno. Pinagbawalan din ng dalawang Parayno na makabalik sa posisyon si Perez bilang LNB President at ex-officio member ng Sangguniang Panlunsod kahit labag ito sa batas o may katapat na kasong grave misconduct sa kabila na may lifting ang suspension order para makabalik sa puwesto si Perez noong Sept. 2022. (Boy Celario)