Advertisers
KLINARO ng Department of Health na hindi bagong sakit o bagong virus ang human metapneumovirus (HMPV) na kabilang sa dumadaming kaso ngayon.
Noong Martes, sa inilabas na Disease Outbreak News ng World Health Organization (WHO), kabilang sa mga dumadaming kaso ang HPMV, gayundin ang Respiratory Syncytial Virus (RSV) na kapwa itinuturing na acute respiratory infections.
Base pa rin sa naturang ulat ng DOH, ayon sa DOH, karaniwang dumadami ang mgha tinatamaan ng naturang sakit tuwing panahon ng sobrang lamig sa China at iba pang bansa sa Northern Hemisphere.
Ang gobyerno ng China iniulat na rin sa WHO na kayang-kaya pa ng kanilang sistemang pangkalusugan ang mga kaso ng HPMV sa kanilang bansa.