Advertisers

Advertisers

PBBM, BIDEN AT JAPAN PM SASABAK SA TRILATERAL CALL

0 8

Advertisers

NAKATAKDANG magsagawa ng isang trilateral phone call si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama sina outgoing US President Joe Biden Jr. at Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez sa kanyang mensahe na ipinadala sa mga mamamahayag.

Ayon kay Chavez, ang makasaysayang pag-uusap na ito ay naka-iskedyul na maganap sa Linggo, Enero 12, 2025.



Bagama’t hindi pa natitiyak kung anong mga paksa ang tatalakayin, sinabi ni Chavez na ito ang kauna-unahang pagkakataon na sabay na makikipag-usap ang Pangulo sa dalawang lider ng mga kaalyadong bansa gamit ang telepono.

Maituturing na mahalaga ang ganitong klase ng komunikasyon sa pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos at Japan. (Gilbert Perdez)