Advertisers

Advertisers

Mga bagong sasakyan, nagpasigla sa operasyon at karanasan ng mga pasahero sa NAIA

0 26

Advertisers

MAY mga bagong sasakyan ngayon ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na pinatatakbo ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) upang suportahan ang ground operations, pagbutihin ang passenger convenience at tiyakin na ligtas at banayad ang galawan sa airport.

Kabilang sa mga karagdagang sasakyan ang dalawang bagong ambulansya na may advanced medical tools at mga kawani na nagsanay sa paramedics para magbigay ng mabilisang medical assistance kung kinakailangan.

Sinabi ni NNIC president Ramon S. Ang na may tatlo pang “follow-me” vehicles ang naidagdag upang gabayan ang ang mga eroplano sa kanilang itinakdang parking positions nang mas maayos makakatulong para bumaba ang taxi at makapag-ambag sa mas banayad na operasyon.



Naglagay din ng apat na inter-terminal coasters para mag- facilitate sa maayos na ‘airside transfers’, magkaloob sa mga pasahero ng mas komportable at episyenteng paraan ng pagpunta sa mga terminals, lalo na ang mga may connecting flights o hirap sa pagkilos.

“These vehicles are essential to support efficient operations and improve the overall passenger experience at NAIA. They complement NAIA’s existing fleet and reflect our commitment to providing a seamless and reliable airport experience,” pahayag ni Ang.

Ang paglalagay ng mga bagong sasakyan ay nangyari matapos na maranasan ng NAIA ang mabilis na pag-unlad. Sa kabuuan ng 2024, sinalubong ng NAIA ang record-breaking 50.1 million passengers. Ito ay 10.43% increase mula 2023, ayon kay NNIC general manager Lito Alvarez.

Sa pagkakaroon ng karagdagang mga sasakyan ay makasisiguro ng banayad na operasyon sa tuwing ‘peak periods’, maintenance schedules at emergencies. Dahil dito ay napapanatili NAIA ang mataas na antas ng serbisyo gabang inuuna ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero .

“This initiative is part of NNIC’s broader efforts to” modernize NAIA and deliver world-class service. For updates and information, visit the official NAIA website at newnaia.com.ph and follow @newnaiaph on Facebook and X,” dagdag pa ni Alvarez. (JERRY TAN)