Advertisers

Advertisers

“RALLY PARA SA KAPAYAPAAN AT KAPAKANAN NG BANSA” — INC

0 3,708

Advertisers

Ito ang pinakamahalagang bahagi sa mensaheng isinasagawa ngayon ng NATIONAL RALLY FOR PEACE ng mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO (INC) sa iba’t ibang rehiyon ng ating bansa.

Ngayong umaga ng Lunes (January 13, 2025) ay sa QUIRINO GRAND STAND sa LUNETA, MANILA na nagsimulang nagsidatingan ang mga INC alas-8:00 ng umaga.., na ang normal na pagsisimula ng kanilang programa ay ika-4 ng hapon ngayon at tinatayang matatapos ng alas-6 ng gabi.

Ipinababatid ng INC na ang kanilang posisyon hinggil sa sinabi
ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. noong Nobyembre 29, 2024, ay gaya ng sumusunod:



“Ang Iglesia Ni Cristo ay pabor sa ipinahayag na na opinyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya aang-ayon sa impeachment na isinusulong laban sa ating Pangalawang Pangulo.

“Nais naming liwanaging mabut6na ang hangad namin ay ang para sa kapayapaan at kapakanan ng ating bansa.

“Mas maraming pangangailangan ng mga mamamayan natin ang dapat maasikaso. Hindi ito matatamo kung puro awayan ang lagi na lang nating nakikita.

“Marahil, ang mga kababayan nating naghahangad din ng kapayapaan at hangad na maasikaso ng ating mga namiminuno ang mga pangangailangan ng ating bansa ay hindi sasalungat sa opinyong ipinahayag ni Pangulong Marcos Jr.”

Sa naturang rally ng INC ay sinuspinde ngayon ng QUEZON CITY GOVERNMENT ang mga klase mula PRE-SCHOOL hanggang SENIOR HIGH SCHOOL kabilang na ang ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM gayundin ay wala ring pasok ang mga empleyado sa LOCAL GOVERNMENT OFFICES ng kanilang lungsod, bagama’t tuloy ang ONLINE TRANSACTIONS sa pamamagitan ng https:/)qceservices.quezoncity.gov.ph/”.



Suspendido rin ang klase ng mga mag-aaral gayundin ang mga government office sa MANILA at PASAY ngayong araw dahil sa INC NATIONAL RALLY FOR PEACE.., na ang suspension sa mga klase para sa private sector ay nakadepende sa management ng mga opisina at kompanya.

Ang mga lugar na pagdadausan ngayon ng INC NATIONAL RALLY FOR PEACE ay sa 1) Manila – Quirino Grandstand
Metro Manila, CALABARZON & MIMAROPA; 2) Albay – Sawangan Park, Lungsod Legazpi; 3) Agusan del Norte – Butuan City Sports Complex; 4) Cebu – South Road Properties; 5) Isabela Sports Complex, Ilagan; 6) Misamis Oriental – Plaza Divisoria, Lungsod Cagayan de Oro; 7) Palawan – Provincial Capitol ng Palawan; 8) Iloilo – Freedom Grandstand; 9) Ilocos Sur – Quirino Stadium; 10) Region 8 – Ormoc City; 11) Capitol Park and Lagoon Bacolod City, Negros Occidental; 12) Davao City, San Pedro Square; 13) Ormoc City Stage Plaza; 14) Region 9, Pagadian City; at 15) Davao Region, Rizal Park Davao.

***

PROJECT MANIPULATORS NG MALACAÑANG!

Ibinibitin ako ng MALACAÑANG ARYA BEES sa pagkukuwento nila hinggil sa umano’y mga bagong power couple daw sa palasyo at hindi ito si PBBM at FLLAM.

Ang tirador daw ng mga project sa MINDANAO at BARMM area ay isang babae sa buhay ng isang opisyal na matagal ng kasal sa isang showbiz royalty.., na ang abogadang ito diumano ang gumagamit sa pangalan ng opisyal para makakuha ng mga advances sa mga contractors kapalit ang milyong mga kontrata.

Ang masaklap daw rito e kahit si FLLAM ay walang powers sa mga tauhan ng opisyal dahil ito ay kaibigan pa rin ni PBBM.., naku
nahihinaan naman ako sa mga protector ni PBBM, kung ang mga tulad nila ay nakagawa ng mga ganitong kawalanghiyaan sa bansa e bakit walang makapigil? Dahil ba sa kaibigan o dahil sa kaalyado?

Sino nga kaya itong tirador ng mga project sa MINDANAO at BARMM at maging mga MALACAÑANG ARYA BEES e ayaw pa nilang itimbre sa akin ang mga pangalan?

Mga ka-ARYA.., kapag ganito ang siste e huwag na tayong magtaka na madawit si PBBM sa korupsyon sa mga darating na panahon!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.