Advertisers

Advertisers

Konsi Bong Marzan, pinuri ang new and modern Public Health Lab na ipinatayo ng admin ni Mayor Honey

0 9

Advertisers

PINURI ni Asenso Manileño candidate for councilor sa district 4 at Liga ng mga Barangay Director Bong Marzan ang bago at modernong Public Health Laboratories na ipinatayo ng administrasyong Mayor Honey Lacuna sa Sta. Cruz, Manila at kamakailan nga ay pinasinayaan din ito ng alkalde, Bise Alkalde Yul Servo.

Bilang kasalukuyang public servant sa loob ng maraming taon, sinabi ni Konsi Bong Marzan na ngayon ay Chairman ng Brgy. 497 na malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng sariling Public Health Laboratories ng isang lungsod sa mga residente ng Sampaloc at sa Maynila sa pangkalahatan.

Nabatid na ang new and modernized Public Health Laboratories na pinasinayaan din kamakailan nina Mayor Honey, VM Yul at Manila City Health Department Chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ay mayroon ng License to Operate mula sa Department of Health.



Ipinaliwanag ni Konsi Bong Marzan na dahil mayroon ng lisensya para mag-o-operate ang bagong Public Health Laboratories ay maaari na itong mapakinabangan ng lahat ng residente at negosyante ng anim na distrito ng Maynila para sa kanilang pangangailangan pangkalusugan.

Napag-alaman na ang bago at modernong Public Health Lab ay nagsasagawa ng drug testing para sa mga empleyado pribado man o publiko o sa mga residente na nangangailangan nito bilang requirements sa kanilang papasukang trabaho. Ang bagong Public Health Lab ay isa ring isang tertiary clinical laboratory kung saan pinag-aaralan ng dahilan ng isang sakit na apektadong ang mga mamamayan. Dito rin isinasagawa ang drinking water bacteriology analysis para mga mga nagnenegosyo ng mineral water at may mga paupahang gusali na nagtataglay ng mga tangke ng tubig.

Isa pa sa maipagmamalaki ni Konsi Bong Marzan sa bago at nag-iisang Public Health Laboratory sa Maynila ay ang pagkakaroon ng drive-thru services and laboratory nito para sa mas mabilis na serbisyo. Ito ang kauna-unahang Public Health Lab na may drive-thru at sa Maynila lamang ito makikita.

Isa ang public health awareness sa itinataguyod ni Konsi Bong Marzan sa buong distrito kuwatro. Kaya Naman labis itong natutuwa sa pagbubukas at pag-o-operate ng nag-iisang Public Health Laboratory sa Maynila para sa kapakinabangan ng lahat ng Manileño, partikular ang mga health professionals, health workers, estudyante, manggagawa at iba pa.

Matatandaan na marami na ang programang pangkalusugan ang inilunsad ni Konsi Bong Marzan noong mga nagdaang buwan kabilang na dito ang Adopt a hydrocephalus baby, Anti-Polio Patak program at iba pa. (ANDI GARCIA)