Advertisers

Advertisers

ESTUDYANTE NG LA SALLE ‘NAHULOG’ SA 10 PALAPAG GUSALI NG UNIBERSIDAD

0 3

Advertisers

KINUMPIRMA ng De La Salle University (DLSU) sa Maynila na isang incoming student nila ang “nahulog” mula sa hindi pa natutukoy na palapag sa isang gusali sa loob ng kanilang campus.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Huwebes, Agosto 13, kinumpirma ng La Salle ang naturang insidente.
“De La Salle University confirms that an incident occurred today involving an incoming student who fell from a building on the Manila campus,” anang unibersidad.
Saad pa nila, nakikipag-ugnayan narin sila sa mga awtoridad at maging sa mga magulang ng sangkot na estudyante.
“DLSU has reached out to the parents of the student and are coordinating with the authorities,” anang La Salle.
Isinailalim narin ang ilang estudyante sa counseling at nakiusap din ang unibersidad hinggil sa komento ng publiko sa nangyaring insidente sa loob ng kanilang paaralan.
Samantala, masusing iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang insidente.
Sa ulat ng MPD, isang concern citizen ang nag-report sa mga security guard ng Female Athletes Dorm DLSU na matatagpuan sa F.Reyes Street na may isang babaeng nasa gilid ng palapag ng gusali.
Agad namang tumugon ang sekyu na sina SG Rey Cadag at SG Homer Danielis kungsaan inabutan ang biktima na nasa delikadong posisyon sa naturang bahagi ng gusali.
Nagulat na lamang ang mga sekyu nang gumulong at nahulog ang biktima sa ibaba.
Idineklara itong dead on the spot. (Jocelyn Domenden)