Advertisers
PATULOY ang pagbulusok ng trust at performance ratings ni Vice President Sara Duterte, habang ang kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay napanatili ang public trust at approval, ayon sa OCTA Research’s 2024 4th Quarter Tugon ng Masa survey.
Ang trust rating ni VP Sara ay bumagsak na sa 49% mula sa 59% noong 3rd quarter ng 2024. Ang kanyang performance rating ay bumaba rin sa 48% mula sa 52%.
“This marks the first time that both the trust and performance ratings of the Vice President have fallen below the majority threshold. These figures represent the lowest ratings for the Vice President since December 2023 and reflect a continuing downward trend,” saad sa pag-aaral nito.
Karamihan sa mga wala nang tiwala kay Duterte ay mula sa National Capital Region (NCR), habang sa Mindanao ay nanatili siyang malakas, nagtala ng pinakamataas na trust ratings. Ang kanyang performance ratings ay gayundin ang resulta: ang highest satisfaction ay sa Mindanao, at ang most dissatisfaction ay sa Luzon.
Samantala, si Pres. Marcos ay nagkaroon ng bahagyang pagbaba ang ratings. Ang kanyang trust rating ay bumaba sa 65% mula sa 69% sa nakaraang quarter, habang ang performance rating ay bumagsak sa 64% mula sa 66%.
Ang pinakamataas na trust at performance ratings ni Marcos ay naitala sa Balance Luzon, habang sa Mindanao kinakitaan ng mataas na ‘distrust’ at ‘dissatisfaction’.
Sina Senate President Chiz Escudero at House Speaker Martin Romualdez ay nakatanggap naman ng paborableng ratings mula sa publiko.
Si Escudero ay nakakuha ng 63% trust rating at 65% performance approval, habang si Romualdez ay nagkaraoon ng 58% trust rating at 59% performance score.
Ang survey ay ginawa mula November 10 hanggang 16, 2024 sa 1,200 face-to-face interviews na ginawa sa buong bansa.