Advertisers
NAARESTO at sumuko na ang sampu sa 29 pulis na kinasuhan kaugnay ng kontrobersyal na drug raid sa Maynila noong 2022 ayon sa Philippine National Police (PNP).
Pahayag ni PNP Spokesperson at PRO3 RD Police Brigadier General Jean Fajardo, 19 pa ang patuloy na pinaghahanap sa ngayon.
Kabilang sa mga sumuko ay:
• 1 Police Lieutenant Colonel (PLtCol)
• 1 Police Major (PMaj)
• 1 Police Captain (PCapt)
• 1 Police Lieutenant (PLt)
• 1 Police Executive Master Sergeant (PEMS)
• 1 Police Senior Master Sergeant (PSMS)
• 4 Patrolmen (PAT)
Nagpapatuloy ang operasyon ng pulisya upang mahuli ang iba pang sangkot sa kaso.