Advertisers

Advertisers

PABAHAY NI ABALOS SA MANDALUYONG MAHIGIT 10K NAKINABANG

0 39

Advertisers

NAGING modelo ang Mandaluyong City sa urban housing development sa ilalim ng liderato ni dating Mayor Benhur Abalos, na nagbigay ng ligtas at abot-kayang tirahan sa libu-libong residente.

Kabilang sa mga natatanging proyekto ang “Adopt a Home – Bayanihan Project” noong 2002, kungsaan mahigit 200 pamilya na naapektuhan ng sunog sa Barangay Addition Hills ang nabigyan ng tahanan.

Nakamit ito sa tulong ng gobyerno, mga NGO, at komunidad.



Sa pamamagitan ng pagbili ng lupa mula sa Philippine National Railways (PNR), nabigyan din ng pagmamay-ari ng lupa ang mahigit 2,200 informal settlers sa tabi ng riles, gamit ang abot-kayang sistema ng pagbabayad.

“Lahat ng mga nakatira doon hindi na sila informal settlers kundi sila ay mga landowner na at ilang libong pamilya ito. A house is the biggest asset of a family. Yung pagkakaroon ng bahay gives them pride at guarantee na kahit paano ay may maipamamana sila sa kanilang mga anak at apo,” sabi ni Abalos.

Ang medium-rise housing projects sa lungsod ay nagbigay ng mas maayos na tirahan sa mahigit 1,500 pamilya, kabilang ang Abella Compound at mga proyekto sa pakikipagtulungan sa Gawad Kalinga.

Sa kabuuan, higit 10,000 pamilya ang natulungan ng mga programang pabahay ng Mandaluyong sa pamumuno ni Abalos.

“Hindi lamang bahay ang itinayo namin; nagtayo kami ng tahanan at komunidad,” ani Abalos, na nangakong palawakin ang mga ganitong programa kung mabibigyan ng pagkakataong magsilbi sa senado.



Sa kaniyang termino bilang kongresista, si Abalos ang may akda ng Republic Act No. 9397 na nagbigay-daan sa alternatibong socialized housing at mas maayos at mabilis na proseso ng pamamahagi ng lupa.

Ginawang abot kaya ng RA 9397 ang mga paraan para sa socialized housing. Inatasan ng batas ang National Housing Authority (NHA) at mga lokal na pamahalaan (LGU) na magtulungan upang bumuo ng iba’t ibang sistema para sa pamamahagi ng lupa.

Sa ilalim ng batas, hindi lamang limitado sa pagmamay-ari ang mga opsyon; maaari itong isama ang pagrenta na may opsyon bumili, usufruct agreements, at iba pang pamamaraan na naaayon sa patakaran ng NHA at LGUs.

Pinapayagan ng RA 9397 ni Abalos ang direktang bentahan ng lupa mula sa pamahalaan nang hindi na dumadaan sa public bidding, basta’t natutupad ang ilang kondisyon. Kabilang sa mga kondisyon ay ang mga sumusunod: (1) ang lupa ay dapat nasa residential zone, (2) may sertipikasyon ito para sa socialized housing, (3) ang mga benepisyaryo ay dapat kwalipikado at rehistrado, (4) abot-kaya ang halaga ng lupa batay sa kita ng mga benepisyaryo, 5) may limitasyon sa muling pagbebenta ng lupa, at (6) ang mga nakatira ay kailangang residente at sumusunod sa batas.