Advertisers

Advertisers

Marcos suportado ang DA sa pagdeklara ng food security emergency

0 14

Advertisers

MALAPIT nang maikasa ang deklarasyon ng food security emergency dahil sa mataas na presyo ng bigas.

Ito ay matapos sang-ayunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng National Price Coordinating Council (NPCC).

Sa isang ambush interview sa Leyte, iginiit ni PBBM na hinihintay na lamang ang opisyal na pagtanggap ng Department of Agriculture (DA) sa rekomendasyon na inaasahang mangyayari sa susunod na linggo.



Aniya, mahalaga ang hakbang na ito upang maitama ang sistema ng presyo ng bigas sa merkado.

Ipinaliwanag niya na nagawa na ng pamahalaan ang lahat ng posibleng paraan upang pababain ang presyo ng bigas.

Gayunpaman, tila hindi pa rin sumusunod ang merkado sa prinsipyo ng law of supply and demand.

Bunga nito, sinabi ng Presidente na kinakailangan nang ipatupad ang mas mahigpit na aksyon upang mapababa ang presyo ng bigas at masiguro ang maayos na presyuhan sa mga pamilihan.

Ipinunto pa ni Pangulong Marcos na may ilang mga negosyante na gumagawa ng iligal na pagtataas ng presyo na ngayon ay iniimbestigahan na ng Kongreso. (Gilbert Perdez)