Advertisers

Advertisers

SAKIT NG ULO: LAKSA-LAKSANG DINASTIYA PULITIKAL

0 40

Advertisers

MASUSI natin tinanong si George Erwin Garcia, chair ng Commission on Elections (Comelec), tungkol sa nakakapesteng laksa-laksang dinastiya pulitikal sa bansa sa Kapihan sa QC media forum noong Sabado sa Mangan Tila Restaurant. Inamin niya na kung siiya ang masusunod, magbibigay ng ruling ang Comelec upang isakatuparan ang probisyon ng Saligang Batas na nagbabawal sa mga dinastiya pulitikal sa bansa.

Ngunit nakatali ang kanyang kamay, aniya, dahil hindi malinaw sa batas kung totoong ang Comelec ang may poder upang itakda kung ano ng dinastiya pulitikal na isinasaad ng Konstitusyon. Inamin ni Garcia na hindi siya pabor sa pangingibabaw ng maraming dinastiya pulitikal dahil salungat sila sa diwa ng demokrasya kung saan binubuksan sa lahat ang pagkakataon ng magserbisyo sa bayan.

Isinasaad ng Seksyon 26 ng Artikulo 2 ng Saligang Batas: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.” Inuugat ang suliranin sa pagpapatupad ng probisyong ito sa huling parirala na “as maybe be defined by law.”



Sa interpretasyon ng ilang “eksperto” sa batas, kapangyarihan ng Kongreso ang magtakda kung ano ang dinastiya pulitikal, ngunit mula 1987, hindi pinanday ng Kongreso ang isang batas na nagbibigay buhay sa pagpapatupad ng probisyon na ito. Hindi kataka-taka ito dahil pugad ng maraming pamilyang pulitikal ang Kongreso at hindi nagpapakamatay ang mga ito upang bigyan ng buhay ang probisyon ng Konstitusyon na nagbabawal sa mga dinastiya pulitikal.

Noong 1988, nagpasa ang Senado ang panukalang batas na iniharap noon ni Senador Teofisto Guingona Jr., ngunit hindi inaksyunan ito nang dalhin sa Camara de Representante. Mismong si Ispiker Ramon Mitra Jr. ang pumatay dito sa Camara. Ni hindi ito nasama sa kalendaryo ng Camara. Tuluyan itong namatay at hindi na ito tinalakay sa Kongreso.

Simula noon, palaging isinusumite ang panukalang batas na nagbabawal sa mga pamilyang pulitikal sa bawat Kongreso. Ngunit walang nangyayari kahit sa Senado o Camara. Tuluyang hindi kumilos ang Kongreso upang isakatuparan ang probisyong ito ng Saligang Batas.

Noong Sabado, tinanong namin si Garcia kung sa paniniwala niya ay totoo ang tingin ng ilang abugado na “self-executing” ang probisyon na ito at ang kapangyarihan na bigyan ng buhay ito ay nasa Comelec at hindi Kongreso. May pagkiling si Garcia sa interpretasyon na ang Comelec ang may kapangyarihan na ipagbawal ang mga pulitikal dinastiya.

Ngunit kailangan manggaling sa Korte Suprema ang interpretasyon sa probisyong ng Saligang Batas kontra dinastiya pulitikal. Kung sasabihin ng Kataas-Taasang Hukuman na ang Comelec ang may kapangyarihan na magtakda ito, maglalabas ang Comelec ng isang order upang ipatupad ito. Nakagapos ngayon ang kamay ng Comelec dahil sa kawalan ng salita ng Korte Suprema, aniya.



Kinilala ni Garcia ang isang kahilingan ng grupong ANIM na humihinging ipawalang bisa ang kandidatura ng ilang kandidato na kabilang sa dinastiya pulitikal batay sa probisyon ng Saligang Batas. Pinangungunahan ng abugadong si Alex Lacson ang ANIM sa sakdal sa Comelec.

Kasama sa mga naglipanang dinastiya pulitikal ang mga sumusunod: Revilla sa Cavite, Binay-Campos sa Makati City, Villar-Aguilar sa Las Pinas City, Cayetano sa Taguig City, Pineda sa Pampanga, Singson sa Ilocos Sur, Garcia sa Cebu, Romualdez sa Leyte, Ampatuan sa Maguindanao, Ejercito-Estrada sa San Juan City, Yap ng Tarlac, Lagman sa Albay, Ynares ng Rizal, Zubiri ng Bukidnon, Romualdo ng Camiguin. Mahigit na 200 pamilya na naghahari sa bansa. Isama pa natin ang mga Duterte ng Davao City at Marcos ng Ilocos Norte, ang dalawang pinakamalaking pamilya sa bansa.

***

KUNG ibabatay ang pagkilos ng reklamong impeachment laban kay Misfit Sara sa rali para sa “kapayapaan” ng pinagsamang sektang Iglesia ni Cristo (INC) at Duterte Diehard Supporters (DDs). Mukhang walang epekto ito sa aming pagtaya. Kumikilos ang mga naunang tatlong reklamo at may ihahabol pa ng pang-apat na impeachment complaint na may sapat ng bilang ng mga kongresista upang tuluyan dalhin ang reklamo sa Senado.

Aburido ang pangkat ni Misfit Sara at mistulang mga naiihing pusa ang mga kapanalig niya dahil hindi nila alam kung paano ito pipigilan. Kahit ang senador na nuknukan ng kabobohan at kamangmangan ay nagsalita ng wala sa lugar na pipigilan niya ang mga impeachment. Paano? Hindi niya nilinaw ang gagawin at sapat na dahilan ito upang sabihin na matutuluyan ang maldita ng Davao City.

***

DUMALO sa rali ng InC at DdS sina Francis Tolentino at Dan Fernandez. Tinawag si Fernandez na “weakest link” ng QuadComm at hindi kilala si Tolentino sa katotohanang paninindigan bilang isang pulitiko. Pareho silang hindi mananalo sa Mayo. Tumatakbong reeleksiyonista sa Senado si Francis at gobernador ng Laguna si Dan.

Kasama ni Francis sina Bong Go at Bato dela Rosa na hahalik sa sementadong lapag kapag natalo sa Mayo. Itatakwil sila ng ibang botante lalo na iyong kabilang sa Simbahang Katoliko at ibang Kristiyanong relihiyon dahil sa suporta nila kay Misfit Sara. Kahit mga kasama niya sa tiket ng administrasyon, ilalag siya.

***

MGA PILING SALITA: “We have a weak and scared President.” – Bob Magoo, netizen, kritiko