Advertisers
NAKAKATAWA talaga itong si dating Pangulo “Digong” Duterte.
Mantakin mong manawagan siya sa publiko na huwag magbayad ng buwis hanggat hindi nagpapaliwanag ang administrasyong Marcos sa mga pinondohang proyekto nito. Araguy!!!
Ang lakas ng tama ng matandang ito. Naghahangad siya ng transparency e noong sila ang may hawak ng kaban ng publiko ay bawal na bawal ang magtanong sa kanila kung saan nila ginastos ang bilyon bilyong pondo nawawalang pondo.
Dito nga lang sa confidential funs ng kanyang anak, Vice President Sara Duterte-Carpio, ay ayaw nilang magpaliwanag kung paano nilustay ang P612 million confidential funds. Sinulatan pa ng Office of the Vice President (OVP) ang Commission on Audit (CoA) na huwag bigyan ng kopya ang House Quad Committee sa hinihinging datus ng mga pinaggastusan nila ng confidential funds pati ng Department of Education (DepEd).
Kung tunay na maayos itong si Digong, dapat sinabihan o inadbaysan niya ang kanyang anak (VP Sara) na ipaliwanag isa isa ang mga pinaggastusan ng confi funds ng OVP at DepEd para mapahiya ang House Quad. Eh wala!!! Ang tanging rason nila ay confidential funds ito at hindi dapat isapubliko ang pinaggamitan. Animal!!!
Sa totoo lang, mga pare’t mare, lahat ng mga upak ni Digong sa administrasyong Marcos Jr. ay bumabalik sa kanila. Kasi nga nung panahon nila ang mga mali ay tama sa kanila, grabe ang pang-aabuso sa pondo ng publiko at sa mga karapatang pantao. Kaya walang kridibilidad itong si Digong para humirit ng paliwanag sa mga pinaggagastusan ngayon ni PBBM. Mismo!
Hindi sa kinakampihan ko si PBBM, hindi ko naman ito ibinoto eh. Si Leny Robredo ang ibinoto ko. Pero mas maayos ng hindi hamak itong Marcos Jr kesa kay Digong. Peks man!
***
Nilinaw ng dating spokesperson ni Duterte na si Atty. Salvador Panelo na ang dating pangulo ay hindi maaring akusahan ng pagkakalat ng fake news dahil in-interpret ang daw nito ang budget documents mula kay Davao City Representative Isidro Ungab.
Sa isang live podcast, sinabi ni Duterte na ang 2025 General Appropriations Act (GAA), na pinirmahan ni President Marcos, ay mayroong 13 pages ng blank allocations, sinabing ang budget ay illegal. Sinabi pa niyang ang mga opisyal na responsable nito ay mahaharap sa pagkakulong.
Pero napag-alaman sa bandang huli na ang mga dokumento na iprinisinta ni Duterte, na mula kay Rep. Ungab, ay ulat na hindi pa na-finalize ng bicameral conference committee (bicam). Ang actual GAA na pirmado ni President Marcos ay hindi naglalaman ng blank allocations at ito ay bukas sa publiko para busisiin sa Department of Budget and Management (DBM) website.
Sabi ng Malacañang, ang statements ni Duterte ay “fake news” at “malicious”.
Sinisi naman ni Panelo si Rep. Ungab, ang kaalyado ni Duterte, sa aniya’y maling dokumentong ibinigay kay Digong. Mga tanga!