Advertisers

Advertisers

14 taong wanted sa Valenzuela timbog sa Nueva Ecija

0 17

Advertisers

Timbog ang isang wanted sa batas nang may makapagtimbre sa pinaglulunggaan nito upang takbuhan ang kasong kinakaharap sa hukuman.

Kinilala ni Valenzuela police chief PCol. Nixon Cayaban ang naarestong akusado na si alias “Javerson”, 38, fabricator o manggagawa.

Sa ulat, 10:15 ng hapon ng maaresto ang akusado noong Sabado sa Purok Mapagmahal, Brgy. Sumacab Este, Cabanatuan City, Nueva Ecija.



Hindi na nakapalag ang akusado nang matunton ng magsanib- pwersa ng Station Intelligence Section ng Valenzuela CPS at Warrant and Subpoena Section ng mga tauhan ng Cabanatuan City Police Station at ihain ang Warrant of Arrest laban sa nabanggit na akusado sa kasong Robbery with Serious Physical Injuries na inisyu ni Hon. Emma C. Matammu, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 269 Valenzuela City na may petsang January 28, 2011 na may inirekomendang piyansang P180,000.00.

Binitbit ng Valenzuela Police ang akusado na kasalukuyang nakadetine sa police station habang hinihintay ang commitment ng korte sa paglipat nito sa City Jail.(Beth Samson)