Advertisers

Advertisers

BJMP personnel, kulong sa pagpapaputok ng baril

0 11

Advertisers

Dinakip sa pagpapaputok ng baril ang isang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong Sabado ng gabi sa Quezon City.

Sa report kay Quezon City Police District (QCPD) Acting Director PCol Melecio M Buslig mula Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa ilalim ni PMaj. Don Don Llapitan, kinilala ang suspek na si JO1 Ham Dumingyay Muhyang, 30, nakatalaga sa BJMP National Capital Region Program Development Division at residente ng Brgy. Sto. Cristo, Bago Bantay, Quezon City.

Nangyari ang insidente 11:55 ng gabi noong Sabado sa harap ng Ihaw Ihaw Restaurant ni Bai sa Brgy. Sto. Cristo, Bago Bantay, ng nabanggit na lungsod.



Ayon sa pahayag ng saksing si “Tony”, 25, nakatayo siya sa labas ng bahay nang makita niyang si Muhyang na nakatayo sa harap ng nabanggit na restaurant. Bumunot at saka nagpaputok ng baril na nagdulot na pangamba sa lugar.

Agad siyang humingi ng responde sa pulisya at mabilis dinisarmahan at dinakip si Muhyang ng otoridad.

Nakuha dito ang isang 9MM Glock pistol, isang magazine walong live ammunitions at isang magazine na kargado ng walong bala. Narekober din ang isang basyo ng baril. Wala namang maipakitang dokumento ang suspek.

Samantala, tiniyak naman ni BJMP chief Director Ruel Rivera na hindi nila kukunsintihin ang maling ginawa ni Muhyang. Agad niyang inutos ang pagsasampa ng kasong administratibo laban dito.

Ayon kay Rivera, walang puwang sa BJMP ang mga tauhan na pasaway lalo pa’t umiiral ang gun ban.



Nahaharap sa kasong alarm and scandal at election gun ban ang suspek.(Almar Danguilan)