Advertisers

Advertisers

NPA leader todas sa engkwentro

0 21

Advertisers

NASAWI ang isang lider ng New People’s Army (NPA) nang makaengkwentro ang tropa ng pamahalaan sa Barangay Catumag, Guinobatan, Albay, Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Elmer Oli at kilala sa mga tawag na alyas “Mel”, “Rommel”, “Daniel” “Lapugo”, “Katindig”, at “Loy” na may mga kasong murder, attempted murder at homicide.

Sa impormasyong ipinalabas ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Elias Angeles, Pili, Camarines Sur, ang suspek ay lider ng Komiteng Larsangang Guerilla 1 (KLG1) Subregional Committee 5 (SRC5) Bicol Regional Party Committee (BRPC) o ng Samahang NPA.



Napatay ito nang makasagupa ng mga otoridad ang aabot sa limang miyembro ng NPA kasama ang nasabing lider sa enkwentrong tumagal ng 15 minuto.